EP3 Expat Ako — Paano palakihin ang Sahod as OFW

Maraming OFW ang nagtatrabaho nang matagal sa abroad pero pakiramdam nila ay parang hindi pa rin umaangat ang kanilang career at sahod.Sa episode na ito ng Expat Ako Podcast, pag-uusapan natin kung paano mapapalaki ang kita bilang OFW, paano mapapansin ng employers, at anu-anong skills at diskarte ang makakatulong para magkaroon ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa.Kasama rin natin si Love Apolinario, na magbabahagi ng kanyang karanasan tungkol sa career growth, pagbuo ng professional value, at mga praktikal na hakbang para mas mapabilis ang pag-unlad ng isang expat.📌 Sa episode na ito:✅ Paano mapapataas ang market value mo bilang OFW✅ Career opportunities sa ibang bansa✅ Kailangan bang lumipat agad abroad o mag-ipon muna ng experience?✅ Mga red flags sa paghahanap ng trabaho✅ Paano humingi ng salary increase at promotion✅ Mga skills na dapat mong pag-investan✅ Practical advice para sa long-term career growthKung OFW ka, aspiring expat, o naghahanap ng paraan para mapalago ang iyong career at kita, para sa’yo ang episode na ito.